Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LBC sinimot ng staff na bantay-salakay

0 366

Nilimas ng kawatan ang nasa P600,000 halaga ng cash ng isang outlet ng LBC sa Barangay San Lucas, Lipa City, Batangas noong Lunes.

Batay sa report ng Lipa City Police, nakuhanan ng CCTV na pumasok ang hindi nakilalang lalaki ala-1:20 ng hapon habang walang tao sa loob ng outlet.

Dinampot nito ang kulay pulang cash box na nakapatong lamang sa counter desk table at saka mabilis na umalis.

Sa kuha pa rin ng CCTV, alas-12:40 nang nakitang lumabas ang duty customer associate na si Jan Emar Nuyles, upang kumain umano ng tanghalian pero iniwan nitong bukas ang pinto ng outlet at walang naiwang tao sa loob.

Bandang alas-2:10 ng hapon nang bumalik si Nuyles at nadiskubre nito na nawawala na ang kahon ng pera.

Subalit hinihinala ng mga imbestigador na magkasabwat ang dalawa at sinadya ni Nuyles na iwanang bukas ang pinto para makapasok ang suspek.

Hindi pa rin umano nagre-report sa kanyang trabaho si Nuyles mula nang mangyari at mapaulat sa pulisya ang insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.