Abante Tonite Interactive

LBC stag derby last round: Garcia, Castillo, 4 pa wow

305

Hahabol sa panalo ang mga kalahok sa hu­ling round (set C) ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series mamaya sa Pasay City Cockpit.

Uusad ang mga qua­lifier sa 3-stag semifinal sa Aug. 23 na mga piprisinta ng Sagupaan Superfeeds at Comple­xor 3000.

Inihayag noong Linggo ni Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo, na tinakda pa rin sa P7,000 ang entry fee sa mga magbibitaw ng straight five stag sa Aug. 23.

Umiskor ang anim na mga sabungero ng limang ragasa sa gayung daming mga sultada sa PCC upang makaakyat sa grand finals sa Aug. 30.

Kabilang sa kanila sina Mandy Garcia ng Barigon MG Nov. 2 Lemery, Orlando Castillo ng San Ignacio, Jun Lovendino ng V Farm Baby Catriona, Nelson Uy/Dong Chung ng Hapi Papa, Carlos de Jesus ng Sagupaan Don Carlos at Ronald Barandino ng Jan. 10 Pasay 4 -Cock.

Umabot na sa 34 ang may five points at 13 ang 4.5 points pa-grand finals. Sa mga umiskor ng 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points, sa Aug. 26 naman ang final round nila. (Enjel Manato)