Abante Tonite Interactive

LBC stagfest ni sabong idol Antonio dudumugin

338

Usap-usapan agad ang grand opening ng “2019 Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” sa Pasay City Cockpit tapos humatak agad ng 205 entries nitong July 12 at 19, at kahit sumabay pa ang bagyong Falcon.

“Marami ang gustong sumali sa early bird stag derby dahil sa mga bagong palahi,” hayag ni Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA) president Nick Crisostomo nitong Biyernes.

Puwede pang huma­bol sa ikatlong elims round sa Lunes, July 22 at sa semis sa July 26.

Ang iskedyul pa sa Pasay Cockpit ay July 22 at 26 sa patuloy ng set A, Aug. 2, 9, 12 at 16 para sa set B, Aug. 19 at 23 pang-set C, at Aug. 26 at 30 para sa 4-stag finals.

Nagsama-sama ang LGBA, gamefowl breeders groups/cockpit operators ng Luzon at Sagupaan Agricultural Products, Inc. ni sabong idol Patrick Antonio upang buuin ang LBC stagfest. (Enjel Manato)