Abante Tonite Interactive

Le Tour: Purple jersey kapit ni Maijers

262

Nananatiling kapit ni Netherland rider Jeroen Maijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team ang purple jersey matapos ang Stage 2 ng 10th Le Tour de Filipinas na nagsimula sa Pagbilao, Quezon at nagtapos sa Vinzon’s Avenue sa Daet, Camarines Norte kahapon.

Nirehistro ni Stage 1 winner Maijers ang general classification time na pitong oras at 59 minuto, lamang siya ng 45 segundo sa second placer na si Singapo-rean rider Goh Chun Huat ng Terengganu Inc. TSG Cycling Team.
Si Mario Vogt ng Team Sapura Cycling ang sumilo ng panalo sa 194.9 km. Stage 2 race matapos ilista ang oras na apat na oras, 49 segundo at anim na segundo.
Pangalawang dumating si Kohei Uchima ng Team Ukyo habang pangatlo si Goh sa five-stage Category 2.2 event cycling marathon na inorganina ng Ube Media, Inc.
Dahil konti lang ang lamang, tiyak na babantayan ni Dutch cyclist Maijers si Goh.
“We have to be more careful this time,” saad ni Meijers.
Pang-apat na tumawid ng meta si Philippine National team rider Jan Paul Morales.
Nalaglag sa 11th place si Marcelo Felipe ng 7Eleven Cliqq-Air21. (Elech Dawa)