Abante Tonite Interactive

Lea apektado sa Song-Song hiwalayan

590

Nawindang ang international diva na si Lea Salonga nang malaman niyang hiwalay na ang beloved South Korean couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo na nakilala sa hit series na “Descendants of the Sun.”

“Huwaaaaaaaat????????” ani Lea sa retweet niya sa Twitter ng balita tungkol sa pagpa-file ng amicable divorce ni Joong Ki kay Hye Kyo.

Tulad ng iba pang addict sa Koreanovelas like Anne Curtis at Gelli de Belen, nanghihinayang si Lea sa kinahinatnan ng relasyon ng dalawa na taong 2017 lamang nagpakasal.

Katunayan, faney si Lea ng hit Korean seires na “Encounter” na pinagbibidahan nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo. (Archie Liao)