Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lea ‘asar’ sa ‘di pagpila ni Gibbs

0 121

Nagpahayag ng kanyang saloobin sa Twitter ang Broadway diva na si Lea Salonga tungkol sa kanyang disgusto sa mga taong feeling entitled sa panahon ng pandemya.

Ang tinutukoy niya ay iyong mga taong humihingi ng special treatment o hindi pumipila sa pagkuha ng CoVID-19 tests.

“Hearing stories of entitlement from friends… folks jumping the COVID testing line because they consider themselves above everyone else. Pati ba naman diyan nagpapauna kayo? Please lang! Wait your turn! That is all,” aniya.

Bagamat walang deretsahang tinutumbok ang internationally-acclaimed theatre actress, naging guessing game ang kanyang emote sa social media.

Anila, nagpaparunggit daw si Lea sa mga politiko.

Sinalungat naman ito ng ilan at sinabing ang hanash niya ay may kinalaman sa Net 25 host at singer-comedian na si Janno Gibbs.

Big issue umano ang lumabas na tsikang bukod sa pang-aaway sa co-host na si Kitkat, uma-attitude na naman diumano ang aktor dahil may insidente raw umanong inaway nito ang production people ng programang kinabibilangan sa kagustuhang gusto nitong mauna sa Covid test.

Sina Lea at Janno ay parehong produkto ng That’s Entertainment ng Master Showman na si German Moreno.

Derek na-develop kay Ellen

Bagamat idinenay noon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na nagkakamabutihan na sila, tila hindi na makakatanggi ng dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon dahil sa pag-amin mismo ng best friend ng actor na in labu umano na ito sa Cebuanang ex ni John Lloyd Cruz.

Nag-post kasi ang isang IG user na si @mrfreeze ice ng photo ng dalawa na may intriguing caption na “So happy for both of you. @ramsayderek07 @maria. elena.adarna.”

Naka-tag pa ang dalawang celebrities pero hindi naman nag-react ang mga ito as if na kinukumpirma nila ang kanilang relasyon.

Sey naman ng kibitzers, na-develop na raw si Derek kay Ellen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito raw ang tipo ng babaeng gusto ng actor na makarelasyon na bukod sa outspoken ay hindi tipong nananakal sa isang relationship.

Ilang beses nang spotted na magkasama sina Ellen at Derek sa out-of town trips kung saan kasama pa mismo si Elias, ang love child ng aktres kay Lloydie.

Lately, naging usap-usapan din ang bonding nila habang sabay nila ginagawa ang kanilang jumping rope routines.

Luis panis kay Billy

Marami ang nag-abang sa bagong season ng singing at impersonation show na Your Face Sounds Familiar na nag-pilot noong Sabado.

For one, na-miss nila ang antics ni Billy Crawford sa pagho-host ng nasabing show.

Plakadong-plakado kasi ni Billy ang pag-i-introduce ng nabanggit na franchise show.

First time din kasi na ang kaibigan niyang si Luis Manzano ang magho-host ng ikatlong season ng YFSF.

Marami ang nakapansin na sa simula,hindi kumportable si Luis sa paga-anunsyo ng show.

Katunayan, kinorek pa nga siya ni Ogie Alcasid na sa mga hurado ng show.

Obserbasyon ng ilan, kulang daw sa sipa ito kumpara kay Billy na gamay na ang naturang format.

Sa isang panayam, inamin ni Luis na nagpaalam siya kay Billy bago niya tanggapin ang hosting stint ng YFSF.

Si Billy, for obvious reasons, ay napapanood naman sa TV 5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.