Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lea bigong mabili ang bag ni BTS V

0 57

Pre-selling pa lang ay sold-out na ang inilabas na merchandise ni Kim Taehyung o mas kilala bilang si BTS V.

Nang i-announce ng Big Hit Music, agency nila na maglalabas ng merchandise ang pitong miyembro ng “BTS” walang-duda na nakaabang na agad ang mga Army na maka-avail nito.

May touch ng kanilang personal artistry ang mga merchandise na isa-isang ilalabas ng pitong miyembro. Nauna na nga rito si V na pre-selling pa lang, wala pang isang minuto ay na-sold-out na agad.

Isang leather Boston bag na mute colour ang nilabas niya na may signature niya .Vante artworks sa scarf ang design ng bag.

Balitang nasa $168 ang halaga ng bag na sa peso ay nasa kulang P9,000. Kung tutuusin, maituturing na mahal ang presyo ng merch, pero tila hindi ito iniinda ng mga Army.Paunahan talaga sila at labanan para maka-avail online.

Ilan sa comment ng mga fan, “The bag is absolutely breathtaking, The classic details, the satin ribbon, the small, tiny green line, the color scheme, I’m in love, And the brooch set is very artistic and unique! I love how everything screams Taehyung,”

Sa Pilipinas, nag-trending pa sa Twitter ang International star na si Lea Salonga dahil sa tweet nito na in less than one minute nag-sold-out na agad .Isa rin siya sa mga hindi pinalad na Army na maka-avail nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.