Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lea nakakalasing ang beauty

0 268

NI: NONIE NICASIO

Nakakagigil ang mabibistahang kaseksihan ni Lea Macapagal sa kanyang Instagram post.

Ibang atraksiyon sa mga kalalakihan ang malakas na dating ng dalaga. Larawan siya ng isang masayang babae na animo isang bulaklak na sagana sa dilig, kaya namumukadkad ang ganda.

Bukod sa kanyang beauty, panlaban ang kanyang balingkinitang katawan. Pansinin ang taglay niyang hotness. Mapapanganga at matutunaw ang mga barako sa kanyang seductive na porma.

Isang certified hottie si Lea. Heaven sent sa mga nangungulilang boys ang mga babaeng tulad niya. Animo may magnet siyang panghatak sa member ng opposite sex. Kahit walang alak, paniguradong lalakas ang tama sa angking beauty niya.

Si Lea ay isang TV commercial and print model. Mayroon siyang degree sa Customs Administration at sasabak sa Miss World 2021.

Animo siya isang katakam-takam na dessert na nakahatag sa hapag at handang lantakan ng mga naglalaway na barako. Maihahalintulad din siya sa isang pulutang hindi uurungan ng sinumang manginginom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.