Abante Tonite Interactive

Lea naniniwalang magiging National Artist si Nora

0 348

tonite-pak-allan-dionesBet namin ‘yung sinabi ni Lea Salonga na naniniwala siyang magi­ging National Artist si Nora Aunor.

Nag-colla­borate kasi si Lea at ang kakahirang lang na National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab sa album na “Bahaghari” tampok ang 15 traditional folk songs.

Nang makantiyawan si Mr. C na naunahan pa nito si Nora na maging National Artist, ang reaksyon ni Lea ay, “I think she’ll get it!”

Matatandaan na dalawang beses nang nano-nominate sa nasabing parangal si Nora, sa panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino at ngayon kay Pangulong Digong Duterte, pero in the end ay hindi napipirmahan ang kay Ate Guy kaya hindi ito napapasama sa mga ipinoproklama.

Ayon kay Lea, “We can have all of these discussions who deserves to be National Ar­tist and based on their body of work, based on their contributions to Philippine culture, based on what they have done for their particular part of the artistic industry, here and abroad.

“So, I am confident Nora Aunor would one day get it, if not this year, maybe the next round.

“But given just what she’s done, the films that she has made, ‘di ba? Parang no-brainer na ‘yun. It’s just a matter of when.”

Ang sabi naman ni Mr. C, sa pagkakaalam niya ay nakapasa na si Ate Guy sa lahat ng proseso na kailangang pagdaanan. So, isa na itong National Artist material. Ang kulang na lang talaga ay ‘yung pirma ng presidente.

Sa dami ng karangalang binigay ni Lea sa bansa bilang isang world-class Filipino artist ay maraming nagsasabi na hindi malayong maging National Artist din siya someday.

“Please, huwag n’yong i-jinx, baka hindi mangyari!” natatawang reaksyon ng Pinay Broadway diva.

Dugtong niya, “I don’t think any National Artist does their work thin­king, ‘If I do this, baka one day I’ll be a National Artist.’

That’s not the intent, it should never be the intent.

“You do the work for the work’s sake. You do the work to share whatever God-given talent you have. You do good work for artistic expression. I mean, we’ll have different reasons for why we do what we do.

“I love to sing because I just love to sing. I love to get up on a stage and sing a catalogue of music that I really enjoy with a full orchestra behind me and sing with other people who feel that same passion as I do and work with similarly-minded individuals in this industry.

“But that’s not the intent to, ‘Maybe, when I’m 80, I’ll get the National Artist!’ No, that’s not it.

“For me, my intent is to work until I literally drop dead holding a mic­rophone. That’s the happiest death I could have—to be onstage doing what I love to do, making music.

“And if I happen to have a heart attack, center stage, in the spotlight, you know what? I would have lived my life.”

Kabilang sa “Bahaghari” album ni Lea na released ng Curve Entertainment, Inc. at GLP Music ang mga awiting “Bahay Kubo”, “Sitsiritsit Alibangbang”, “Paruparong Bukid”, “Leron Leron Sinta’, “Sarung Banggi”, “Pamulinawen”, “Atin Cu Pung Sing­sing” at “Matud Nila.”

Jessy handa na ang ‘oo’ sa ‘proposal’ ni Luis

Wala nang dapat ipag-alala si Luis Manzano dahil sure nang “Yes!” ang isasagot sa kanya ni Jessy Mendiola kapag nag-propose si Luis sa kanyang nobya.

Naaliw kami kay Jessy dahil diretso niyang sinagot kung anong magiging reaksyon niya sakaling yayain na siyang magpakasal ni Luis.
Magyi-“Yes!” ba siya?

“Oo naman. ‘Di ba, ganu’n naman tayo kung sinong kalerasyon natin ngayon at matagal na kayo, sana sila na ang magtuloy-tuloy forever?” napapangiting bulalas ni Jessy.

Okey, so hindi na kailangang magpatumpik-tumpik pa ni Luis dahil sure nang “Oo!” ang isasagot niya?

Natawa si Jessy at ang sagot sa amin, “Naku, sigurado ako… Luis, ha? Huwag kang makulit!”

Feeling ng bida ng MMFF 2018 entry na “The Girl in the O­range Dress” ay tinatantiya pa ni Luis at ayaw na muna nitong i-cut short ang magandang nangyayari ngayon sa kanya.

Pero nu’ng time pala na gusto nang mag-quit ni Jessy sa showbiz, ang laging joke sa kanya ni Luis ay magpakasal na lang sila.

Nito lang December 3 ay nag-26th birthday si Jessy at nag-romantic dinner lang daw sila ni Luis. Galante pala itong boyfie dahil mga alahas ang birthday gift nito kay Jessy.

May hikaw, bracelet, kuwintas, pero walang singsing. Ang hirit namin kay Jessy, ang susunod kasi roon ay luluhod na si Luis at bibigyan siya ng engagement ring.

Natawa si Jessy, na aminadong looking forward na maikasal one day gaya ng lahat ng babae. Hindi pa raw niya alam kung kailan ‘yon, so hindi niya masagot ang tanong namin kung kailan siya magiging ‘girl in the wedding dress’.

Actually, naging running joke na sa butihing ina ni Luis na si Cong. Vilma Santos na gusto na nitong magkaapo kay Luis. In fairness ay matanda na rin kasi si Luis, 37-anyos na ito.

Dayalog sa amin ni Jessy, aminado naman si Luis na matanda na ito, so reding-ready na raw itong magkaanak if ever.

Siya ba, ready na rin siyang magka-baby?

“Siguro, mga 3 years pa o 2 years,” sagot ng tisay na Kapamilya actress.

Sa June 2019 ay 3 years na raw ang relasyon nila ni Luis.

Siyanga pala, ang birthday wish ni Jessy ay magustuhan ng mga tao ang film fest movie nila ni Jericho Rosales na “The Girl in the Orange Dress” dahil binuhos niya raw lahat ng energy niya rito. Pa-Christmas gift na rin daw sa kanya na marami ang manood ng pelikula.