Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lea nawindang sa textbook

0 295

NI: ARCHIE LIAO

Naging isyu na noon ang mali-maling entries sa learning modules o children’s textbooks na madalas na inaalmahan ng mga netizen.

May mga panahon ding inireklamo na ito ng mga magulang dahil nagbibigay raw ito ng maling impormasyon sa mga estudyante .Para sa kanila ay dapat aktuhan agad ng DepEd.

Sa kaso ng Broadway diva na si Lea Salonga, hindi nito pinalampas ang nabasa niya sa isang textbook na ginagamit na learning material para sa mga elementary students.

Sey niya: “For the love of……. there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS AN OWL, YOU IDIOTS!!!”

Ang tinutukoy niya ang glaring error sa libro kung saan pinakukulayan ng crayola sa mga estudyante ang mga imaheng nagsisimula sa letter “O”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May caption ang imahe ng kuwago ng “ostrich” na talaga namang ikinaloka ang actress-singer.

Hirit pa ng ilang nang-okray, Pinoy version daw ba ng ostrich ang kuwago.

Merong ding exercise kung saan pinakukulayan naman ang mga bagay na nagsisimula sa letter “L” sa salitang Ingles.

Napansin din niya ang caption dito na “L” for rabbit na labis niyang ikinaalarma.

Bagamat hindi nakatapos ng kolehiyo si Lea, umabot naman siya ng one year pre-med at Ateneo.

Ang kanyang katalinuhan at talento sa pag-awit ang kanyang naging puhunan para makilala siya sa buong mundo bilang broadway diva at Tony-award winning actress.

Leave A Reply

Your email address will not be published.