Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lea nilaglag si Aga

0 43

Nagkaroon ng Q and A ang broadway diva na si Lea Salonga sa kanyang Twitter followers kamakailan.

Game namang sinagot ng Tony-award winning actress ang mga tanong ng kanyang mga faney.

Tinanong kay Lea kung ano ang weirdest question na naitanong sa kanya sa isang interview.

Aniya, naloka raw siya nang naurirat siya kung sumailalim siya sa plastic surgery.

Tungkol naman sa ikinatu-turn off niya, aminado raw siyang imbudo siya sa mga mayayabang na tao.

Tungkol naman sa favorite leading man niyang si Aga Muhlach, tinanong siya kung anong katangian ni Morning na tanging siya lang ang nagtataglay.

Sagot ni Lea, ang mga mata raw nito.

Inusisa rin siya ng isang Twitter user kung anong bagay ang ayaw niya kay Aga.

Walang kagatul-gatol naman niyang inilaglag ang aktor sa faney.

“He’s a bad texter. Parang si Jungkook. (There are things about JK that remind me of Aga. To anyone that watched Soop, it’s all right there.), sey ni Lea.

Si Jungkook ay isa sa mga miyembro ng pamosong K-pop boy band na BTS.

Flattered naman si Lea nang malaman sa isang fan na pina-follow siya ni Sonsungdeuk ng BTS sa Instagram.

Tungkol naman sa concerts at theatrical performances, malamang na first quarter pa raw ng 2022 mag-materialize ang mga ito.

Robin hindi papasok sa politika

Aminado si Robin Padilla na ikinunsidera niyang tumakbo bilang gobernador ng Bicol sa 2022 national elections.

Katunayan, nagrehistro pa raw siya sa Camarines Sur para mag-qualify siya sa nasabing posisyon.

“Kinonsider ko yan. Nagpa-rehistro pa nga ako sa Bicol. Akala ko 10-20 million pesos (para sa campaign),”aniya.

Kung sakali raw ay mangungutang siya sa kanyang misis na si Mariel Padilla ng kahit 20 milyon para pondohan ang kanyang kandidatura.

Pero, nalaman niya na gagastos siya ng humigit-kumulang na P150 milyon para sa kanyang kampanya

“Sabi sa akin, P150 million for local government, for governor. Yun pa raw yung pinaka-maliit,” sey ni Robin.

Hirit naman ni Mariel, kung ganoon kalaki raw ang halagang gagastusin para tustusan ang kanyang kampanya, tiyak na maging corrupt daw ang sinumang kandidato kung sakaling sila ay manalo dahil gagawin nila ang lahat para mabawi ang kanilang nagastos.

Kumbaga sa negosyo, kailangan maibalik ang puhunan kasama na ang tubo.

Kamaikailan, naglabas ng possible lineup ang administrasyon sa mga tatakbong senador sa tiket nito kasama na si Robin.

Ayon naman sa talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz, natanong daw niya si Robin ukol sa pagkakasama ng pangalan nito sa tiket ni Digong.

Idinenay raw ng aktor na may balak siyang kumandidatong senador sa susunod na eleksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.