Abante Tonite Interactive

Lea pabor sa 1M signature sa ABS-CBN renewal

241

Kaisa ang ‘Miss Saigon’ singer na si Lea Salonga sa pagsalba ng prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso sa parating na Marso 2020.

Ito’y kahit pa patuloy ang pananahimik ng mga Kapamilya artist sa posibleng pagsasara ng nasabing TV network ngayong taon.

Sa tweet ni Lea, sinabi nito na may personal at professional na rason ang singer sa pagsalba ng TV franchise.

“Yes, I have personal and professional reasons for this one. Not gonna lie,” ayon sa mang-aawit sa tugon nito sa signature campaign ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na lumilikom ng isang milyong pirma para ipasa sa Kongreso at ma-review tungkol sa franchise renewal.

Samu’t saring reaksyon ang natanggap ni Lea sa nasabing tweet, may ibang kontra na sinasabing bayaran muna ng ABS-CBN ang utang nito sa tax, na inayos ng network matapos magbayad ng P152.44 million sa Bureau of Internal Revenue noong Marso 2019.

Marami rin ang sumegunda kay Lea na pinirmahan ang online petition bilang pakikiisa sa #NoToABSCBNShutdown.

Sa ngayon ay mayroon nang abot sa 42,440 ang nasabing petisyon. (Ray Mark Patriarca)