Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lea pinagpalit na sa BTS si Aga

0 59

NI: ARCHIE LIAO

Nagkaroon ng AskMeLea sessions ang Broadway Diva na si Lea Salonga sa kanyang mga follower.

Isa sa mga naitanong ng netizen ay ang posibilidad na muli silang magkasama sa isang proyekto ni Aga Muhlach na naging leading man niya sa “Bakit Labis Kitang Mahal?”at “Sana Maulit Muli.”

Sagot naman ni Lea: “Choppy ka, Madam!”

Hindi na nag-elaborate pa ang Tony award-winning theater actress at singer.

May mga nakapansin na tila ayaw na nitong pag-usapan pa ang dating co-actor.

SM food to go Banner Ad

Pansin ng mga netizen, tila hindi na raw ito excited na pag-usapan si Aga.

Ilang beses na kasi noong nauusisa si Lea sa reunion movie nila ni Aga, pero hindi ito matuloy-tuloy.

Sa isang panayam, noon, sinabi ni Lea na panahon lang ang makapagsasabi kung makapagtatambal pa silang muli ng actor.

Nabanggit pa niya na kung gagawa man siyang muli ng isang proyekto na balik-tambalan nila, dapat ay kasing tindi ito ng huli nilang pelikulang “Sana” na solidong nabuo ang kanilang fanbase.

Sa ngayon, mas kinikilig pa nga si Lea na pag-usapan ang South Korean boy band na BTS kesa sa actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.