Abante Tonite Interactive

Lea Salonga ‘meaty’ sa Sweeney Todd musical

291

Nakilala ang broadway singer na si Lea Salonga sa kanyang pagganap bilang sweet at inosenteng bida sa Miss Saigon noong 90’s.

Ngayon ay may bago siyang pinaghahandaang proyekto kung saan siya ay gaganap bilang “ghoulish baker of human meat pies” sa Stephen Sindheim Musical, Sweeney Todd: “The Demon Barber OF Fleet Street” na ilalabas sa ika-28 ng Nobyembre hanggang ika-8 ng Disyembre sa Marina Bay Sands, Singapore.

Related Posts

Sa isang press conference na ginanap sa Swissotel, ikinuwento pa ni Lea sa isang correspondent na nagngangalang Akshita Nadna ang tungkol sa kanyang “Meaty” na karakter at pagnanais sa kakaibang karakter tulad ng kanyang gagampanang dark role sa naturang show. (Athena Yap)