Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leachon: Metro Manila ibalik sa MECQ

0 413

Inirekomenda ng dating adviser ng National Task Force on COVID-19 at health expert na si Dr. Tony Leachon na ibalik ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ito ni Leachon matapos na makita aniya ang apat na digit na pagtaas sa mga nagpositibo sa COVID-19 nang luwagan ng gobyerno ang quarantine restriction.

“Ang best sana MECQ. `Yon ang aking tingin. Ang dami nang cases, kailangang ma-arrest natin `yong viral transmission para sa ganun hindi tayo magkarooon ng widespread epidemic at kumalat pa sa other areas,” ayon kay Leachon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.