Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leachon sawsawero sa labanan ng mga bakuna – Garin

0 50

Hindi umano dapat lituhin at takutin ang publiko kaugnay sa bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang panawagan ni Iloilo Rep. Janette Garin bilang pagkontra sa pahayag ng isang doktor na iilang bakuna lamang umano ang epektibo partikular laban sa Delta variant.

Si Garin ay naging kalihim ng Department of Health (DOH).

Partikular na tinukoy ni Garin ang pahayag ni dating COVID-19 Task Force adviser Dr. Tony Leachon na limang bakuna lamang umano ang epektibo laban sa Delta variant at ito’y ang Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Janssen at Bharat Biotech.

“Huwag tayong sumawsaw sa labanan ng pharmaceuticals. Let us not pit vaccines against each other. Now, more than ever, we need to listen to real experts and factual science,” ayon pa kay Garin.

Una na ring sinabi ng DOH na epektibo lahat ng COVID-19 vaccine na inaprubahan ng gobyerno. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.