Abante Tonite Interactive

LeBron asar-talo kay Stephenson ng Pacers!

By ,
Umangat si Lance Stephenson (1) Indiana Pacers na nagsilbing tinik sa pang-aasar kay LeBron James ng Cavaliers sa Bankers Life Fieldhouse sa Indianapolis, Indiana. (AFP)
4,329

Noong huling playoffs, binura ni LeBron James at ng Cleveland Cavaliers ang 26-point deficit para kalusin ang Indiana Pacers.

Nitong Biyernes sa Indianapolis din, Pa­cers naman ang nag-rally mula 22-point first half deficit para hiyain ang Cavs 97-95.

Pangatlong sunod na semplang ito ng Cavs, sa unang dala­wa ay natambakan ng pinagsamang 62 points.

Ngayong season, tatlong beses na ring tinatalo ng Indiana ang Cleveland.

Puno ng enerhiya si Lance Stephenson nang manguna sa rally ng Pacers sa third.

Tumapos si Stephenson ng 16 points, 11 rebounds at walang tigil na pambubuska kay James.

Sa dulo ng laro, napikon si LeBron nang sundutin sa tagiliran ni Stephenson. Na-technical si James nang itulak si Stephenson, ipinasok ni Victor Oladipo ang technical free throw at umagwat ang Indiana 84-82 7:53 sa laro.

Ugaling asarin ni Stephenson si James. Nag-viral pa noon ang video na hinihipan ni Stephenson ang te­nga ni LeBron sa isang play na ikinapikon ng Cleveland superstar.

Tinawag ni Le­Bron na ‘little dirty’ maglaro si Stephenson.

“I’ve known since school, it’s not the guy who tells the joke that gets caught, it’s the guy who laughs,” paliwanag ni James sa pagkagat sa pang-aasar ni Stephenson.

Nagsumite si James ng 37 points, 11 assists at eight rebounds.

Umiskor ng 22 points si Darren Collison sa Pacers, tumapos si Oladipo ng 19.

Sa final 2 se­conds, napunta sa labas si James habang pa-drive nang gitgitin sa baseline ni Collison. Tumalbog lang ang desperation 3 ni James sa buzzer.­