Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Davis sapaw kay Kuzma

0 271

CLUTCH time sa Orlando bubble, hindi kay LeBron James o kay Anthony Davis pumunta ang Los Angeles.

Si Kyle Kuzma ang nag-take charge sa final seconds para itakas ang Lakers 124-121 laban sa Denver Nuggets Lunes ng gabi.

Sa huddle bago ang final play, binulungan ni Kuzma si rookie Thornton Tucker: “I’m calling game.”

Siya raw ang tatapos.

Kumawala sa screen, kinuha ni Kuzma ang bola mula kay Davis at ibinaon ang open 3 – play na ginagawa na raw nila sa ensayo.

Isinara ng Nuggets ang laro na reserves ang nasa loob kina Mason Plumlee, PJ dozier at rookie Bol Bol, pero kumasa hanggang dulo. Lamang pa ang Denver sa final minute bago ang nakumpletong and-1 ni James tungo sa 121-119 Lakers lead.

Split ang panabla sanang free throws ni Monte Morris, kabyos ang jumper ni LeBron sa harap ni Bol.

Rumagasa full court ang Nuggets, na-foul ni Kuzma si Dozier 4.8 ticks na lang. Chinallenge ng LA ang tawag pero hindi nabaligtad. Kaya lang, mintis si Dozier sa pangalawang free throw kaya nagkaroon ng last chance ang Lakers.

Naglista si LeBron ng 29 points at 12 rebounds, may 27 points si Davis at tumapos si Kuzma ng 25 markers.

Walong Nuggets ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 18 ni Dozier. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.