Abante Tonite Interactive

LeBron, Giannis lalong lumayo sa 2019 NBA All Star botohan

By
0 177

Pinabuka pa nina LeBron James ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang lamang pagkatapos ilabas ang ikalawang resulta ng fan votes para sa NBA All-Star 2019.

Galing sa fans ang 50 percent ng boto para madetermina ang 10 starters ng 68th All-Star Game sa Feb. 17 (18 sa Manila) sa Spectrum Center sa Charlotte, North Carolina.

Nangunguna si James sa 2,779,812 votes at nanatili sa top spot ng Western Conference frontcourt.

Kasunod niya sina rookie Luka Doncic (2,220,077) ng Dallas Mavericks, Paul George (1,859,216) ng Oklahoma City Thunder, Kevin Durant (1,717,968) ng Gol­den State Warriors, at Anthony Davis (1,564,347) ng New Orleans Pelicans.

Sa guards ng West, humaharabas pa rin si Stephen Curry (2,094,158) ng Warriors, kabuntot sina Derrick Rose (1,986,840) ng Minnesota Timberwolves, James harden (1,674,660) ng Houston Rockets, Russell Westbrook (1,494,382) ng Thunder, at Klay Thompson (706,960) ng Warriors.

Top vote getter sa East si Antetokounmpo (2,670,816), hindi nabago ang sumunod na dalawa sa likod niya sa frontcourt ng conference na sina Kawhi Leonard (2,092,806) ng Toronto Raptors at Joel Embiid (1,710,229) ng Philadelphia 76ers, sunod sina Jayson Tatum (599,289) ng Boston Celtics at Jimmy Butler (569,354) ng Sixers.

Ang top 5 sa East guards ay sina Kyrie Irving (2,381,901) ng Celtics, Dwyane Wade (1,199,789) ng Miami Heat, Kemba Walker (858,798) ng Hornets, Ben Simmons (695,032) ng Sixers, at Victor Ola­dipo (567,893) ng Indiana Pacers.

Sa Jan. 17 (18 sa Manila) ilalabas ang huling resulta ng botohan bago ihahayag sa Jan. 24 ang mga starter at dalawang captain na magda-draft ng miyembro ng kanilang teams.