Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron GOAT, kabaliwan – KD

0 441

Nasa Cool Kicks sa YouTube kamakailan si Kevin Durant, tulad ng ibang celebrities na guest sa show ay naghahanap ng sneakers.

Habang tumitingin, isang empleyado ang lumapit kay Durant at binanatan ng walang kamatayang tanong:

Sino ang GOAT sa kanya?

Bago sumagot si KD, nilatagan siya ng nagtanong, sinabing sa kanya ay si LeBron James ang greatest of all time ng basketball.

“That’s crazy,” sagot ni Durant, naiiling.

Hindi kita kung natatawa si KD dahil natatakpan ng mask ang bibig.

Muli siyang tinanong.

“Michael Jordan,” sagot ni Durant.

Si Jordan ay 6-0 sa NBA Finals, ‘yun ang pinakamaangas na entry sa kanyang resume na nagpapaangat sa kanya sa debate ng GOAT. Lahat ‘yun sa Bulls.

Si LeBron ay 3-6 sa Finals, nakatatlong teams na.

Matibay pa ang tuhod ni LeBron, mahaba-haba pa ang termino sa NBA. Baka pantayan niya – o posibleng higitan – ang ring collection ni MJ, pero ang katotohanan na may talo siya ay sapat na para pagtaasan siya ng kilay. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.