Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron ibabaon ang Blazers

0 249

Inspirado ang Lakers na sumalang sa Game 4 ng NBA Western Conference first-round laban sa Portland.

Pinigil ng back spasms si Anthony Davis at tumagal lang ng 18 minutes, nag-take charge si LeBron James na ikinahawa ng mga kakampi para itakbo ang kumbinsidong 135-115 panalo at 3-1 lead sa series.

Puwede nang umusad sa next round ang Los Angeles sa Game 5 ngayon.

Lunes ang first-ever Kobe Bryant Day sa Southern California – Aug. 24 o 8/24 para sa dalawang number ng basketball great sa 20-year career sa Lakers.

Sa Game 4 sa Disney World bubble sa Orlando, suot ng Lakers ang ‘Black Mamba’ uniforms na co-designed ni Kobe. Tampok rito ang snakeskin print sa labas, black ang interior at may 16 stars sa side panels – para sa 16 championships ng Lakers, lima rito kasama si Bryant.

Inumpisahan ng Lakers ang laro sa 24-8 run, walo rito kay LeBron at 16 kay Davis – 24.

Sa kanyang 30 points at 10 assists, si LeBron ang unang Laker pagkatapos ni Kobe na nagposte ng dalawang sunod na playoff double-double. Inakbayan din ni JR Smith si Bryant (292) sa 8th place ng NBA all-time postseason 3-pointers made. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.