Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron inasar ni Crowder

0 363

SINIPA na ng Phoenix ang defending champion Lakers sa first round ng Western Conference playoffs 4-2 noong Huwebes, hindi pa tinantanan ni Suns forward Jae Crowder si Los Angeles star LeBron James.

Kinabukasan, bumanat sa Instagram si Crowder.

Unang video sa post ay ginaya ni Crowder ang salsa dance ni James.

May post pa siyang nilagyan ng caption na “Ain’t no fun when the rabbit got the gun! 12 more to go! Big 99.”

Patama ‘yun sa isang post ni LeBron sa Twitter noong May na “It’s all fun and games until the (rabbit) got the gun!”

May isa pang pic na nakatitig si Crowder kay LeBron sa isang game ng series.

Biktima si Crowder ng flagrant foul ni Anthony Davis noong Game 2. Inabot ng groin injury ang Lakers big man sa Game 4, nawalan ng partner si James sa sumunod na laro. Sa Game 6, tumagal lang ng 5 minutes si Davis.

Dating teammates sina LeBron at Crowder sa Cavaliers noong 2017-18 pero hindi natapos ang season ay nai-trade si Crowder sa Utah. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.