Abante Tonite Interactive

LeBron kasama sa Lakers All-Time 5

0 305

Mula 2003 hanggang 2017, dinomina ni LeBron James ang Eastern Conference.

Mula Cleveland, nagdesisyong lumipat sa Miami bago bumalik ulit sa Cavaliers.

Bago ang nakaraang season, tumawid ng Lakers si LeBron pero sa unang taon niya sa Los Angeles ay ‘di nakaporma sa West.
Sa unang pagkaka­taon sapul noong pa­ngalawang season niya sa NBA, absent sa playoffs si James.

Binalasa ng Lakers ang roster, isinahog kay James sina Anthony Davis, DeMarcus Cousins at Danny Green.

Powerhouse muli ang Lakers.

Sa kanyang Instagram, nag-post si LeBron ng aniya ay all-time (greatest) starting five ng Lakers.

Mukhang binabalikan ni LeBron ang mga dating glory days ng Lakers noong mga panahong namamayagpag sa West.

All-time starting five ng 16-time NBA champions,­ kasama si­yempre si LeBron.
Para kay James, best starting five ng alinmang team sa kasaysayan ng NBA ang lineup na LeBron James, Kobe Bryant, Shaquille O’Neal, Magic Johnson at Kareem Abdul-Jabbar.

Apat sa kanila ang top 10 highest-scorers sa NBA history. (VE)