Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Kawhi sabong muli

0 339

TIG-WALONG seeding games ang sasalangan ng 22 teams na imbitado sa Orlando, Florida para sa resumption ng NBA season.

Babasagin ng bakbakan ng Utah Jazz at New Orleans Pelicans ang hostilidad sa July 30 (July 31 sa Manila).

Susundan ito ng marquee matchup ng Clippers at Lakers.

Muling magsasabong sina Kawhi Leonard at LeBron James sa salpukan ng dalawang pinakamaangas na teams sa Western Conference. No. 1 sa kasalukuyan ang Lakers (49-14), kabuntot ang Clippers (44-20).

Kinabukasan ay balik ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks at Houston Rockets laban sa Dallas Mavericks.

Ang schedule ng Aug. 1: Miami Heat vs. Denver Nuggets, Jazz vs. OKC Thunder, Pelicans vs. Clippers, Lakers vs. Toronto Raptors.

Matatapos ang regular season sa Aug. 14. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.