Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Lakers magbabawas

0 89

Umikot sa social media ang larawan ni LeBron James pagkatapos ng nakakadismayang 112-97 loss ng Lakers sa Rockets sa Game 1 ng West second-round nitong Biyernes.

Mag-isang nakaupo si LeBron sa sideline, sa tapat niya sa kabila ng court ang players ng Los Angeles at Houston.

Nakatalikod si James, mukhang diretso ang tingin. Para siyang nag-iisip.

Hinihimay marahil kung paanong nilampaso ng No. 4 Rockets ang kanyang No. 1 Lakers.

Anim na araw nagpahinga ang LA bago sumalang. Dumaan sa sagarang Game 7 ang Houston bago dinispatsa ang Thunder.

Siguro, iniisip ni LeBron kung paano reresbak sa Game 2 ngayon.

Related Posts

Umiskor ng 21 si James pero 0 of 4 sa fourth quarter. Tumukod din sa final 12 minutes ang partner niyang si Anthony Davis.

Nang sumablay ang apat na sunod na tira ni James sa fourth, iniupo na siya.

Turnovers daw ang pumatay sa LA.

“We had 17 turnovers for 27 points,” suma ni LeBron.

Tumabo si James Harden ng 36 points, may 24 points, 9 rebounds at 6 assists si Russell Westbrook sa Houston.

Ramdam ng Lakers ang bilis ng Rockets.

“You can watch it on film, but until you get out there, get a feel for it,” diin ni James. “And that’s what we did tonight. We got a feel for their speed, and we should be fully aware of that going into game two.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.