Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Lillard pasiklaban uli

0 245

Superb, pamatay ang performance nina Damian Lillard at LeBron James sa Game 1 ng kanilang Western Conference playoffs nitong Martes sa Orlando.

Si Lillard ang umakay sa Portland patungong postseason sa Walt Disney World, may pasabog pang 61 points sa bubble.

Wala pa siyang balak tumigil sa Game 2 ngayon.

Nagbagsak si Lillard ng game-high 34 points mula sa anim na 3-pointers – kabilang ang splash paglagpas lang sa halfcourt logo sa dulo ng fourth.

Sinilat ni Lillard at ng No. 8 Trail Blazers si LeBron at ang No. 1 Lakers 100-93.

Parehong naka-upset ang eighth seeded teams sa opener: hiniya din ng Orlando Magic ang Milwaukee Bucks 122-110 sa East. Huling nangyari ‘yun sa Game 1 noong 2003.

Pang-history books din ang outing ni LeBron sa kanyang postseason debut sa Los Angeles.

Nagsalansan si James ng 23 points, 17 rebounds at 16 assists – 24th career triple-double niya sa postseason, at most assists niya sa isang playoff game.

Si LeBron ang unang player sa kasaysayan ng NBA na naglista ng 20-point, 15-rebound, 15-assist triple-double sa playoffs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.