Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron may pinakamaraming panalo

0 72

Sa 112-102 Game 3 win ng Lakers kontra Rockets sa West second round nitong Martes, si LeBron James na ang all-time leader sa playoff wins sa kasaysayan ng NBA.

Inekisan ni James ang 162nd win ng kanyang postseason career para lagpasan ang dati ring Laker na si Derek Fisher.

Susubukan ni LeBron na ilapit sa conference finals ang Los Angeles sa Game 4 ngayon.

Sa first round, nilaktawan din ni James si dating San Antonio star Tim Duncan na naka-157 postseason wins.

Nagawa ni James ang milestone sa kanyang 17th season. Walang palya sa postseason ang 35-year-old mula 2006-18, naputol lang noong isang taon dahil binagabag ng injuries at napagsarhan ang Lakers. Nagtala rin siya ng eight straight appearances sa Finals habang nasa Cleveland at Miami, ginagawa ito ay naka-tatlong NBA title siya.

Ipinasa ni James sa teammates ang kredito kaya niya madaling narating ang record. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.