Abante Tonite Interactive

LeBron may ‘sey’ agad sa Lakers

By
2,419

Hindi pa halos nag-iinit sa Los Angeles si LeBron James, may ‘say’ na agad siya sa team.

Kinumpirma ni La­kers president of basketball operations Magic Johnson na malaki ang naging papel ni James sa roster moves ng team.

Ilan sa mga hinugot ng Lakers para dalhin sa LA na makakasama ni James sina Rajon Rondo, Lance Stephenson at JaVale McGee.

Hindi lingid na nagkakapikunan noon sina James at Stephenson lalo nang magtagpo sa playoffs ang Cleveland Cavaliers at Indiana Pa­cers. Hindi rin magkadikit sina James at McGee.

“LeBron’s won championships, been to eight straight Finals,” ani Johnson kay Mike Bresnahan ng L.A. SportsNet. “You think (general manager) Rob (Pelinka) and I are not going to ask him? No, we’re going to definitely ask him his opinion because he knows those players better than us.”

Ibinunyag na rin ni Johnson na sa sobrang excitement niya na makausap si LeBron, isang oras pa siyang nanatili sa loob ng kanyang sasakyan habang hinihintay ang 9:01 p.m. Pacific Time noong June 30 sa pormal na pagsisimula ng free agency. Naka-iskedyul na ang one-on-one meeting nila, pero napaaga si Magic.

Umaasa sina Magic at Pelinka na sa cham­pionship pedigree ni LeBron ay muling magi­ging palaban ang Lakers.

May 16 championship banners na ang Lakers, pero hindi na umabot sa playoffs sapul noong 2012-13 season, nagretiro na rin si Kobe Bryant noong 2016.