Abante Tonite Interactive

LeBron may ‘shout out’ sa mga dinedmang frontliner

0 574

Pasasalamat ang pinaabot ni National Basketball Association (NBA) star LeBron James sa buong health staff ng University of California, Los Angeles dahil sa pag-aasikaso ngayon sa mga pasyente na positibo sa COVID-19.

Hindi man aniya napapansin ang sakripisyo ng mga ito, labis naman ang pasasalamat ng buo niyang pamilya sa pagtulong kasabay ng pagpapalakas sa kanilang loob na malalampasan din ang dinaranas ngayong krisis.

“I just want to let you know that ya’ll hard work and ya’ll dedication does not go unnoticed,” saad ng LA Lakers superstar. “The James Gang family here thanks you guys and hopefully we can get back on our feet and we can get back to our everyday lives very soon.”

Mayroon ng 670 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa LA kaya double-time ngayon ang kanilang mga health worker upang labanan ang sakit at pigilan ang pagkalat nito.

“I just want to say thank you once again,” dagdag pa ni James. “Like I said, do not think for one second that you guys are not recognized, that you guys are going unnoticed.”

Ayon pa kay King James, kapuri-puri at pambihira ang kanilang sinakripisyo kaya karapat-dapat lamang silang bigyan-pansin at pasalamatan.

“The time and the commitment that you guys are putting in, it’s truly commendable and remarkable at the same time. So, God bless you guys and can’t wait to see you guys again. One love.” (Aivan Denzel Episcope)