Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron nagpugay kay Boseman

0 221

Binigyan ni LeBron James ng tribute si Chadwick Boseman bago ang Game 5 ng Lakers at Blazers sa Orlando.

Nakagawian na ng NBA star ang pagluhod sa national anthem bawat laro sa bubble, Sabado ng gabi dinagdag niya ang trademark pose ng actor sa mga ginampanang role ng Black Panther.

Pinag-ekis ni LeBron ang mga kamay sa dibdib – ang ‘Wakanda Forever’ pose ng character ni Boseman na si King T’Challa ng Wakanda, ang Black Panther.

Ginampanan din ni Boseman ang role sa mga Avengers films. Namatay siya sa cancer nitong Biyernes. (Vladi eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.