Abante Tonite Interactive

LeBron nagpupuyos sa racist ad ng 1 kasuotan

By
627

Nagpupuyos si NBA superstar Le­Bron James, Martes (sa Pilipinas), sa isang patalastas ng H&M na may batang itim na mo­delong naka-hoo­die at may nakasulat na ‘coolest­ monkey in the jungle’ mga katagang humakot ng galit at akusasyon ng rasismo.

Si James ang pinakahuling public figure na punahin ang Swedish clothing giant, na sa huli’y hu­mingi ng paumanhin at tinanggal ang natu­rang online shopping ad.

“@hm u got us all wrong! And we ain’t going for it! Straight up!” bulalas ni James sa post Instagram  kasama ang larawan ng kaparehong ad, ngunit may koronang nakapatong sa ulo ng bata at ang teksto sa hooded sweater ay pinalitan ng korona.

“Enough about y’all and more of what I see when I look at this photo. I see a Young King!! The ruler of the world, an untouchable Force that can never be denied!” sambit ng atleta.

“We as African Americans will always have to break barriers, prove people wrong and work even harder to prove we belong,” ani pa James.

Ang generic photo ng hooded sweatshirt na wala ang modelong bagito ay makikita pa rin online.

“You do know that monkey is a known racial slur to black people right?” ha­yag ng style blogger Stephanie Yeboah na tweet noong Linggo.