Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Naomi pasok sa Sportsperson of the Year

0 132

Tinanghal bilang 2020 Sportsperson of the Year ng Sports Illustrated magazine sina National Basketball Association (NBA) NBA star LeBron James, Japanese tennis champion Naomi Osaka at tatlong pang atleta nitong Lunes (Manila time).

Kasama ng dalawa sa parangal na tinawag ding “The Activist Athlete”, sina Women’s National Basketball Association (WNBA) stalwart Breanna Stewart, National Football League (NFL) champions Patrick Mahomes at Laurent Duvernay-Tardif.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa SI magazine, “five men and women who in 2020 were champions in every sense of the word: champions on the field, champions for others off it.”

Kinilala ng magazine ang ginawang off-the-court activities ng limang atleta katulad ng pagtataguyod sa racial equality, pagsuporta sa Black Lives Matter, magbigay boses kontra racial injustice, police violence at pagtutulong ngayong may health pandemic.

Si James ang unang tumanggap ng SI’s Sportsperson of the Year nang tatlong beses— 2012, sumunod 2016 at ngayong taon.(Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.