Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron napikon

0 81

NAG-IIBA ang timpla ni LeBron James kapag nababanggit na pang-sidekick lang ang porma niya.

Suma-total, ayaw niyang ikinukumpara kay Scottie Pippen bilang Robin sa Batman ni Michael Jordan sa Bulls.

Nagbusa sa Twitter ang The King nang ipahiwatig ni Jay Williams ng ESPN na pang-ilalim siya kay Dwyane Wade sa Heat nang magtuhog sila ng back-to-back titles sa Miami.

Kinuha muna ni Williams ang quote ni dating NBA player Richard Jefferson parang Pippen si Bucks superstar Giannis Antetokounmpo, kailangan ng isang Jordan para umangas ang Milwaukee.

“So LeBron was a Pippen with D-Wade once,” tweet ni Williams. “Nothing wrong with that until you get over the hump.”

Nakarating kay James ang palitan ng kuro-kuro.

“Explain to me what the fux I gotta do with this subject matter!” buwelta ni LeBron. “I’m over here minding my damn business preparing for Houston. And by the way I ain’t never been nobody but my damn self! S-t!”

Si LeBron ang bida sa teams na pinupuntahan niya, kahit sabihing transferee siya. Sinikwat nila ni Wade, kasama si Chris Bosh, ang NBA titles noong 2012-2013.

Sina Kyrie Irving at Kevin Love ang nasa tabi niya nang mag-rally ang Cavaliers mula 3-1 Finals deficit para agawan ng titulo ang Golden State noong 2016. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.