Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Nowitzki banas sa ejection ni Porzingis

0 258

(kicker) LUTO!

Hindi lang mga Dallas Mavericks fan ang nadismaya sa tawag ng mga referee para matanggal sa laro si Kristaps Porzingis sa first game ng salpukang Mavericks at LA Clippers sa 74th NBA 2019-20 playoffs nitong Lunes ng gabi (Martes ng umaga, Manila time).

Sa 3rd quarter ng laban na-eject si Porzingis nang patawan ng ikalawang technical foul dahil sa pagtulak kay Marcus Morris Sr.

Maraming mga fan ang pumalag sa desisyon ng mga referee, tingin ay malambot ang dahilan kung bakit nawala sa eksena si Porzingis lalo pa’t sa playoffs ito nangyari.

Parehas naman ang sentimyento ni four-time NBA MVP LeBron James at Dallas legend Dirk Nowitzki, na anila’y hindi dapat natapon sa laro si Porzingis dahil lang sa panunulak.

Sa nasabing laban, wagi ang Clippers, 118-110, sa kabila ng magandang performance ni Luka Doncic na kumolekta ng 42 points, ang pinakamataas na puntos niya para sa playoff debut. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.