Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron panis kay Lowry

0 355

Ipinaalala ng Toronto Raptors kay LeBron James kung sino ang defending NBA champions.

Mukhang sariwa ang mga tuhod at nakapahinga ang Raptors nang itakbo ang 107-92 laban sa Los Angeles Lakers nitong Sabado ng gabi (Linggo, Manila time).

Nagsalansan ng 33 points, 14 rebounds at 6 assists si Kyle Lowry para pangunahan ang Toronto na kahit wala nang Finals MVP na Kawhi Leonard ay hindi tumiklop laban kina LeBron at Anthony Davis.

Tumawid na si Leonard sa Clippers, unang biktima ng Lakers noong Biyernes.

Huling tinalo ng Lakers ang Raptors noong 2014 pa, dalawang taon bago mag-retiro ni Kobe Bryant. Ang stat line ni Kobe sa laro: 31 points, 11 rebounds, 12 assists.

May 23 points pa si OG Anunoby sa Raptors, 15 points at 9 rebounds kay Pascal Siakam. Umayuda si Fred VanVleet ng 13 points at 11 assists.

Nagsumite si LeBron ng 20 points, 10 rebounds at 5 assists, may 14 points, 6 boards si Davis.

Binulabog ng matinding depensa ng Raptors ang Lakers. Mula sa field ay 29 of 82 lang ang LA, 10 for 40 sa labas ng arc. Si Davis ay naigapos sa 2 of 7 shooting. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.