Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron patuloy na inaala-ala si Kobe

0 289

Hindi pa tinatapos ni LeBron James ang tribute kay Kobe Bryant anim na buwan pagkatapos ng aksidenteng ikinasawi ng NBA at Lakers great great.

Sa Orlando bubble bago ang league restart, suot pa rin ni LeBron ang No. 24 band sa gitnang daliri ng kaliwang kamay.

Sa unang dekada ng 20-year career ni Kobe – lahat sa Los Angeles – ay No. 8 ang gamit niyang jersey. Mula 2006 hanggang mag-retire, naging No. 24 siya.

Ini-retire ng Lakers ang pareho niyang numero, nakasabit ang No. 8 at No. 24 sa rafters ng Staples Center.

Noong January 25 ng gabi, nilagpasan ni LeBron si Kobe sa No. 3 ng all-time scoring list. Sa third quarter ng 108-91 loss ng Lakers sa Philadelphia, pasok ang scoop shot ni James para kolektahin ang 33,644th point ng career.

Nakatipon si Kobe ng 33,643.

“Continuing to move the game forward @KingJames,” tweet pa noon ni Bryant. “Much respect my brother.”

Kinabukasan, namatay si Kobe kasama ang anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa nang bumagsak ang helicopter na sinakyan sa Calabasas, California. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.