Abante Tonite Interactive

LeBron pinag-init ang Lakers kontra Mavs

By
322

Maluwag ang depensa ng Los Angeles Lakers sa first quarter, pero naghigpit sa second at nag-rally para itakas ang 114-103 panalo sa Dallas Biyernes ng gabi.

“From the second quarter on, our defense stepped up,” suma ni Lakers coach Luke Walton. “We did a nice job getting stops and getting out and running.”

Sa opening period ay 12 of 25 mula sa field ang Mavericks pero nadiyeta sa 22 of 61 sa sumunod na tatlong quarters. Nakabentahe ang Los Angeles sa fastbreak points 31-13, at na-outscore ang Dallas 62-40 sa paint.

Sablay ang lima sa unang anim na tira ni LeBron James sa first quarter, pero 11 of 15 na pagkatapos tungo sa 28 points.

“I knew what type of basketball I played in the first quarter and the result of that was us playing poor,” ani James. “I hit the reset button and knew I would be much better.”

Nagdagdag si Brandon Ingram ng 19 points kasabay sa pagpigil kay Dallas rookie Luka Doncic sa katiting na 6 points mula 2 of 13 shooting.

May 15 points at 12 rebounds pa si Kyle Kuzma sa Lakers, naiwan ng hanggang 15 sa second bago nagkasa ng 10-4 run sa final minutes ng third para agawin ang trangko 78-75 papasok ng fourth.

Abante ang LA sa manipis na 90-86 bago humarabas ulit ng 15-3 run na kinapalooban ng 9 points ni Kentavious Caldwell-Pope. (VE)