Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron, Smith balik tambalan sa Lakers

0 200

Mukhang hindi na mapigil ang muling pagsasama nina JR Smith at LeBron James sa Los Angeles Lakers.

Top candidate si Smith na pumalit sa puwestong binakante ni Avery Bradley. Nagdeklara si Bradley na hindi siya maglalaro sa Lakers kapag nag-restart ang 74th NBA sa Orlando sa July 30.

Dalawang taon na ang nakakaraan, talo sina LeBron, Smith at ang Cavaliers sa NBA Finals kontra Golden State Warriors.

Si Smith ang bida sa pinakamalaking blunder ng NBA Finals.

Game 1 ng series, 5 seconds na lang sa regulat at tabla ang iskor 107-107 nang bumagsak kay Smith ang rebound. Pero sa halip na tumira, pumasa, umatake sa rim o tumawag ng timeout, nag-dribble siya palayo ng kanilang basket.

Talo sa extra time ang Cleveland, pagkatapos ng laro sa locker room ay nabalian pa ng kamay si James nang suntukin ang whiteboard sa sobrang inis.

Naka-11 games lang si Smith noong 2018-19, walang napuntahang team ngayong season.

Sakaling matuloy sa Lakers, kailangang alerto na siya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.