Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron tatapusin misyon

0 59

Silat sa first game ng Western Conference semifinals ang Lakers, bumalikwas para tuhugin ang sumunod na apat na laro huli ang dominanteng 119-96 win para i-knock out ang Houston Rockets nitong Sabado ng gabi.

Balik sa NBA West final ang Lakers sa unang pagkakataon sapul noong 2010, ang huli ring championship year nila sa team noon nina Kobe Bryant at Pau Gasol.

Sa tipoff lang ay nagliyab na agad si LeBron James at tumapos ng 29 points, 11 rebounds at 7 assists sa loob ng 31 minutes para tapusin ang isang dekadang paghihintay ng prangkisa.

Franchise playoff-record ang nilistang 19 3-pointers ng Lakers na panapaw sa niregalo nilang 19 turnovers.

Sanay sa pagpapanalo si James, tulad ng Lakers fans na hindi sanay napagtatalo.

“I am a winner and I’ve always been a winner,” bulalas ni James. “I understand what the Laker faithful were going through the last decade, not being in the postseason or competing for championships. I took that responsibility as well.”

Pero hindi pa tapos ang misyon.

Posibleng makatapat ng Lakers ang city-mates nilang Clippers sa West final, matchup na hinihintay ng marami.

Kakayanin kaya ni LeBron na akayin ang Lakers paalpas sa Clippers hanggang Finals at ibalik sa Los Angeles ang title? Coming soon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.