Abante Tonite Interactive

LeBron titibag ng mga All-Star Game record

357

Kapag nag-start sa Linggo, si LeBron James ang ­magiging unang player sa ­kasaysayan ng NBA na nag-start ng 16 All-Star Games.

Sa kasalukuyan ay ka-share niya sa record na 15 starts ang namatay nitong Enero 26 na si Kobe Bryant.

Ang 16th All-Star appearance ni LeBron ang magiging second-most sa NBA history, kapos ng dalawa sa record na 18 ni Kareem Abdul-Jabbar.

Sakaling maging MVP, magiging pang-apat ‘yun ni LeBron kapantay ng record ng pinakamarami nito sa All-Stars na hawak nina Bob Pettit at Bryant.

Si James ang All-Star all-time leader sa points, field goals at 3-pointers made, pati sa field goals at 3-pointers attempted.

Kung tatagal siya ng 10 minutes sa laro, lalagpasan niya si ­Abdul Jabbar (449) sa most All-Star minutes sa kanilang career.

Sa edad 37, marami pang laman ang tangke ni LeBron. Siguradong magtatagal siya sa tuktok ng mga records na ‘yun. (Vladi Eduarte)