Abante Tonite Interactive

LeBron, Travis bonding sa Ohio

431

SPORTS

Nag-throwback sina LeBron James at dating Magnolia import Romeo Travis, sinariwa ang pag-lalaro ng basketball noong high school days pa nila sa Akron, Ohio.
Teammates ang dalawa dati sa St. Vincent-St. Mary High School, kasama rin sina Dru Joyce III, Willie McGee at Sian Cotton ang ‘Fab Five’ ng eskuwelahan.
Nitong Miyerkoles, bumalik ng Ohio si James, sinamahan ng high school teammates, para i-dedicate ang multi-colored outdoor basketball court sa I Promise School na pinondohan at itinayo ni LeBron nitong nakaraang taon para sa mga batang kapus-palad.
Iniwan muna sandali ni James ang shooting ng Space Jam 2 para makasama ang mga bata sa kanyang hometown.
“To be able to create a brotherhood or sisterhood and create things that will last forever,” ani James sa mga bata. “A lot of people say things you do in high school you’ll forget. Well, we created a friendship 25 years ago and we’re still firm and strong. This is our way of giving it back to you guys – paying it forward.”
Tapos ng high school ay diretso sa NBA si James noong 2003.
Si Travis, inihatid ang Hotshots sa titulo ng PBA Governors Cup nitong isang taon laban sa Alaska. Muli siyang babalik para idepensa ang korona ng season-ending conference umpisa sa Sept. 20.
Pagkaraan ng dedication, naglaro ng pickup basketball ang Fab Five.
Bininyagan ni James ang bagong basket sa pamamagitan ng payanig na dunk, pero di naipasok ang dalawang long 3-p­ointers. (VE)