Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LeBron-Zion showdown aantayin pa

0 412

Tapos na ang season ni Zion Williamson at ng New Orleans.

Hindi pinagbigyan sa Orlando bubble ang inaabangan ng ilan na showdown nina LeBron James at Williamson sa first round ng playoffs.

Sadsad ang Pelicans sa Spurs 122-113 nitong Linggo sa kabila ng 25 points ni Williamson.

Kasama ang 124-121 win ng Trail Blazers sa 76ers, talsik ang Pelicans sa habulan sa nine seed na dadaan sana sa play-in series sa West.

Out na ang Pelicans, malamang ipapahinga na ang key players sa dalawa pang laro sa bubble. 0-4 na ang ang New Orleans sa Walt Disney World Resort.

Eliminated na rin sa playoffs ang Sacramento Kings, humaba sa 14 years ang playoff drought ng prangkisa. Huling umabot sa postseason ang Kings noon pang 2006.

Eighth seed sa West ang Grizzlies, ninth ang Portland kalahating laro sa likod. Buhay pa sa paghahabol sa playoff ang Spurs (1 game behind Memphis) at Phoenix (1.5 games back). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.