Abante Tonite Interactive

Lechon, crispy pata, kare-kare wagi sa ‘2019 world’s best 100 dishes’

441

Putok-batok man kung tawagin, pasok pa rin sa listahan at kabilang sa 100 best dishes sa buong mundo nga­yong taon ang lechon, kare-kare at crispy pata ng Pilipinas.

Batay sa lumabas na listahan ng Taste Atlas, kung meron mang ipinagmamalaking sushi at sashimi ang Japan, pho ang Vietnam at paella ng Spain, naihilera naman ang maitutu­ring na ‘nakaka-high blood’ na ulam ng ‘Pinas na litson, kare-kare at pata sa isandaang listahan ng mga patok at pinakamasarap na mga ulam sa iba’t ibang bansa.

Ang Taste Atlas ay itinuturing na ‘world atlas’ ng mga pagkain at inumin o encyclopedia of flavors na may kabuuuang 10,000 bilang ng pagkain at mga sangkap mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Abante Hiring – IT dep

Dahil sa pagkakasaling ito sa record ng tatlong pambatong ulam ng bansa ay sorry na lang muna sa adobo, na ilang dekada rin namang namayagpag na sarap lalo na sa ibang bansa. Panis man ito ngayon sa nagpasiklab na tatlong bagong putahe ay nananatili pa rin naman itong paborito ng karamihang Pilipino.