Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee 2 sunod ang pasabog

0 79

Walang naipasok si Paul Lee sa unang anim na bitaw kontra Rain or Shine, pero hindi nasiraan ng loob ang Magnolia Pambansang Manok combo guard.

Sa ikalawang sunod na laro, pumutok muli ang 32-year-old, six-footer sa fourth quarter para akayin ang Hotshots sa 81-70 victory laban sa Elasto Painters sa opener ng kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals duel sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor Linggo ng hapon.

Ikinalat ng eight-time All-Star ang 14 sa kanyang game-high 20 points sa final canto para salagin ang balik ng Painters sa pangunguna ng 13 ni Santi Santillan sa period.

Bago ang larong ‘yun, nilista din ni Lee ang 18 sa kanyang 32 points sa payoff period ng 100-90 win laban sa San Miguel Beer sa pagtatapos ng eliminations noong Sept. 19.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Kilala naman natin si Paul, eh. Anytime he can score 12, 15 points in any given stretch,” ani coach Chito Victolero. “’Pag nag-struggle si Paul, alam ko makakabalik at makakabalik ‘yan dahil grabe kompiyansa niya.”

Hindi binigo ng mga kakampi si Lee, lalo nang subuan ni Calvin Abueva sa ilalim tungo sa 81-70 lead 17 seconds na lang.

“He attracts the defense and na-o-open up iba,” dagdag ni Victolero kay Lee. “Hindi lang points kino-kontribute ni Paul. Overall ‘yung kanyang presence.”

Umayuda si Ian Sangalang ng 19 points, may tig-13 rebounds pa sila ni Abueva kontra RoS. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.