Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee aasa kay Corpuz

0 118

WALANG Pinoy Sakuragi ang Magnolia, pero meron naman silang Pinoy Fukuda sa Philippine Cup restart sa Clark.

Siyempre, si Marc Pingris ang Sakuragi at si Jackson Corpuz ang Fukuda.

Silang dalawa ang Pinoy version ng dalawang astig na manlalaro sa Slam Dunk anime series ng Japan.

Binansagan ng fans si Pingris bilang Sakuragi dahil sa kanyang tibay at sipag sa paghabol sa bola. Si Jackson sa kanyang hilig sa makukulay na buhok, kahawig raw si Fukuda.

Hindi sumama si Ping sa bubble dahil hindi pa lubusang nakakarekober mula calf injury.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kailangan si Fukuda maraming ma-rebound, wala si Sakuragi,” pakli ni Paul Lee sa 2OT podcast.

May pruweba na si 6-foot-4 forward Jackson, kumalawit ng 13 rebounds off the bench sa 94-78 loss ng Magnolia sa San Miguel Beer noong March 8, opening night.

‘Yun pa lang ang nag-iisang laro sa 45th season, makalipas ang tatlong araw ay kinansela ni commissioner Willie Marcial ang mga laro dahil sa coronavirus.

Nakapagsumite pa si Corpuz ng 16 points mula 6 of 7 shooting sa loob ng 30 minutes.

Rommates sa Quest Hotel sina Lee at Corpuz. Si Lee pa ang pumili kay Corpuz para makasama niya sa kuwarto, makapag-bonding.

December lang dumating sa Hotshots si Corpuz sa one-on-one trade sa Columbian kapalit ni Aldrech Ramos. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.