Abante Tonite Interactive

Lee, Aguilar sasagad sa Team PH kahit sugatan

By
188

Parehong may iniinda sina Paul Lee at Japeth Aguilar pero nagpakita pa rin sa Team Pilipinas practice sa Meralco Gym Martes ng gabi.

Namaga ang hinla­laki sa kanang kamay ni Lee nang sumabit sa jersey ng isang Magnolia teammate habang nag-eensayo. Lumala nang tamaan sa second quarter ng 80-75 overtime loss ng Hotshots sa TNT noong Feb. 2.

Dibdiban na ang ensayo ng Team Pilipinas para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Feb. 21 (vs. Qatar) at Feb. 24 (vs. Kazakhstan).

Krusyal ang mga susunod na sabak, titiisin ni Lee ang sakit kung kinakailangan niyang lumaro.

“Gusto natin ma­kabawi sa Kazakhstan, at gusto natin makaabot sa World Cup,” aniya. “Titiisin na lang siguro natin ‘yung nararamdaman. Konting sakripisyo lang naman.”

Si Aguilar, napilipit ang kanang paa sa 97-85 win ng Ginebra kontra Columbian noon ding Feb. 2.

Sa ensayo ngayong araw inaasahang makakasama na si Aguilar.

“As professionals, alam namin kung gaano ka-important itong last window,” aniya.