Abante Tonite Interactive

Lee best player; Harris best import ng Govs Cup

560

Runaway winners sina Paul Lee ng Magnolia at Mike Harris ng Alaska bilang Best Player of the Conference at Best Import ng PBA Governors Cup. 

Tinanggap ng dalawa ang award bago ang Game 4 ng Finals sa pagitan ng Pambansang Manok Hotshots at Aces sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

 Tumanggap si Lee ng kabuuang 1,013 points mula sa stats (368), media (424), players (71) at PBA Office (150). 
Pumangalawa sa kanya si Chris Banchero ng Alaska sa 753 total points. 

Total 1,209 ang nalikom ni Harris mula sa stats (540), media (456), players (63) at PBA Office
Pumangalawa kay Harris si Romeo Travis ng Magnolia sa 914 total. 

Sa players votes, naungusan ng 88 votes ni Travis si Harris.

 Ang iba pang kumarera sa BPC ay sina Christian Standhardinger (659) ng San Miguel, Stanley Pringle (520) ng NorthPort at Japeth Aguilar (398) ng Ginebra. 

Bumuntot sa Best Import sina Justin Brownlee (679) ng Ginebra at Allen Durham (541) ng Meralco.