Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Da In inaayawan Seung Gi

0 283

Hindi naging positibo para sa lahat ng mga tagahanga ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi ang kumpirmasyon na “dating” na siya ngayon.

Kinumpirma mismo ng dalawa na “dating” nga sila sa magkahiwalay na statement.

Sinabi ng 9AtoEntertainment, agency ni Da In na “six months” na ang dating period ng dalawa.

Sa pahayag naman ni Seung Gi sa pamamagitan ng Human Made (tinayo niyang agency), sinabi nitong nasa “getting to know stage” pa lang sila.

Pero, iba ang nahahalungkat ng mga fan. Sa Instagram account ni Da In, marami itong naging post na tila related sa kanila ni Seung Gi. July pa lang noong isang taon ay tila ‘dating’ na sila kung ang IG niya ang pagbabasehan.Pero ispekulasyon lang ito ng mga fan.

Kaso, nag-delete bigla ng mga pinaghihinalaang post si Da In about her dating life . Dahil dito, mas lalong pinag-isipan na patungkol kay Seung Gi ang mga post nito as far as July 2020 pa.

Ang family background ni Da In ang isa pinakamalaking dahilang kung bakit against ang ibang mga fan sa dating news nila. Ang stepdad o adoptive legal father ni Da In ay convicted umano sa panloloko.

Ang siste, kahit na hindi ang mismong female star ang gumawa ng krimen ay naiintriga pa rin.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa mga comment ng mga Korean Airens, K-netz at ilang international fans sa pagka-disgusto kay Lee Da In para kay Seung Gi, ang ginawa ng isang 17 years ng fan na Korean ay nag-viral.

Talagang nag-all-out ito sa pagka-disgusto sa relasyong Lee Seung Gi at Lee Da In. Nag-rent siya ng rolling advertisement van at ang location ay sa mismong lugar kunsaan nakatira si Seung Gi.

Mababasa ang “It’s okay if you didn’t know, we’ll inform you now. They have created too many victims. Are you willing to destroy your 17-year-old career? A quick decision must be made.”

Para sa ibang mga Airens, OA na raw ang ginawa ng 17 years na fan ng actor bilang concern sa idolo. Sa kabila ng protesta at pagka-disgusto ng ibang fans, marami pa rin naman ang 100% ay ipinapakita ang suporta kay Seung Gi at nagsasabing hindi ito iiwan.

Nagpalit na nga ng DP ang iba o profile picture na mint green.May smiley emoji ito at “Airen Forever.”

Sa June 5 ang ika-18 taong anibersaryo ni Seung Gi simula nang mag-debut siya .Isa ito sa hinihintay na araw ng mga tagahanga niya kung magsasalita siya sa isyu . Inaabangan nila kung paano niya ia-address ang iba’t-ibang ispekulasyon at kung sa pamamagitan nito, mako-convince niya ang ibang fan na diumano’y nasaktan sa nangyari.

Ang malinis, magandang imahe, hindi na-involve sa kahit anong scandal ay masasabing dahilan kung bakit naging malaking “shock” ito sa mga fan. Hindi ang kumpirmasyon ng dating news ni Seung Gi ang gumulat sa kanila kundi ‘kung sino’ ang dine-date niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.