Abante Tonite Interactive

Lee Dong Wook ipinalit ni Bae Suzy kay Lee Min Ho

By
5,721

MAY nahanap ng kapalit ni Lee Min Ho si Bae Suzy. Malaking news ngayon hindi lamang sa South Korea, maging sa ibang bansa ang balitang may relasyon na sina Bae Suzy at Lee Dong Wook. Kinumpirma nga ito ng parehong management nila noong March 8 ng hapon.

Nakita raw sina Suzy at Dong Wook sa isang private, casual gathe­ring at mukhang mula nu’n, nagsimula nang mas magkakilala pa ang dalawa at nauwi na nga sa pagdi-date. At dahil simula pa lang daw ng relasyon ng dalawa kaya wala pang masabing mga detalye ang pareho nilang management.

Si Suzy, under JYP Entertainment at si Dong Wook naman ng KingKong by Starship.

Maingay ang lovelife ni Suzy simula pa nu’ng isang taon dahil sa na­ging break-up nga nila ng South Korean actor na si Lee Min Ho.

Halos may tatlong buwan pa lamang simula nang opisyal na lumabas ang balitang break na nga ang dalawa, heto na ang balitang sina Suzy at Dong Wook na.

Base sa ilang komento ng netizens, tila hindi lahat ay positibo sa pagkakaroon agad ng bagong boyfriend ni Suzy dahil mabilis daw nitong napa­litan ang dating boyfriend na ngayon ay naka-enlist sa military service.

Pero marami rin ang kinikilig sa dalawa at naiinggit kay Suzy na pawang mga guwapong aktor ang nakakarela­syon.

Thirteen years ang age gap nilang dalawa. 36 na si Dong Wook at 23 pa lamang si Suzy, pero hindi ito naging hadlang. In fact, biglang nag-resurface ang da­ting guesting ni Suzy sa variety show na Strong Hearts ng SBS noong 2012 pa kunsaan, host si Dong Wook at guest naman si Suzy.

Anim na taon na ang nakararaan, nabanggit na ni Bae Suzy na ang ‘ideal type’ niya ay si Lee Dong Wook. At ngayon, “sila na!”

Jo Min Ki nag-suicide

PAGKATAPOS na lumantad ng mga estu­dyanteng nagrereklamo na diumano’y biktima sila ng sexual harassment ng actor at sa social media campaign na #MeToo, walang-duda na hindi kinaya ng actor ang eskandalo at kasong kinakaharap niya ngayon at hinala ng ilan ay nag-suicide umano ito.

Noong isang araw lang ay lumabas ang pagba-ban sa actor na hindi ito puwedeng makalabas ng bansang South Korea sa loob ng isang buwan. ‘Yun pala, sa kabilang buhay na ang destinasyon ng actor.

Ayon sa report, natagpuan umano ang bangkay ni Jo Min Ki kahapon, March 9 ng 4 p.m. KST time sa storage room ng basement ng isang par­king lot. Ang nakakita sa walang buhay na katawan ng aktor ay ang mismong misis niya na siyang tumawag ng pulis.