Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee pagbibigyan gabi-gabi si misis

0 260

Lumabas na naman ang kapilyuhan ni PBA star Paul Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Matapos ianunsyo ng PBA na kasado na ang dalawang buwan na bubble sa Clark, Pampanga, tila may ibang bagay pa sa isip ng dating UE varsity player.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, sinabi niyang na gabi-gabi na niyang ‘pagbibigyan’ ang kanyang misis na si Rubie dahil matagal na naman silang mawawalay sa isa’t isa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nung nalaman niya na babalik na ang PBA at 2 months akong mawawala, ganyan agad siya,” sey ni Lee sa larawan kung saan nakakapit at hinahalikan siya ng kanyang misis.

“Pagbigyan ko na request nito gabi-gabi. Every night is a quality time,” aniya pa.

Sumagot naman si Rubie at sinabing matagal na raw ang picture na pinost ng basketbolista. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.